Aspekto ng Pandiwa:
| Salitang-ugat | Aspektong Perpektibo | Aspektong Imperpektibo | Aspektong Kontemplatibo |
| mahal | minahal | minamahal | mamahalin |
| asa | umasa | umaasa | aasa |
| aral | nag-aral | nag-aaral | mag-aaral |
(1) Aspektong Perpektibo o Pangnagdaan - naglalarawan sa kilos o galaw na ginawa na o katatapos pa lamang. Ito ay kadalasang nabubuo sa pamamamagitan ng mga panlaping.
| "nag-", "um-", "-in-", "-nan", "ni-", "-an", at "na-" |
mga halimbawa:
nag-aral, uminom, minahal, itinanan, nilamon, nakitaan, nakita
(2) Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan - naglalarawan sa kilos o galaw na kasalukuyang ginagawa. Nabubuo ang pandiwang ito sa pamamagitan ng pag-uulit sa unang pantig sa salitang-ugat at pagdaragdag ng panlaping katulad ng sa Apektong Perpektibo.
| "nag-", "um-", "-in-", "-nan", "ni-", "-an", at "na-" |
naglalaba (nag-la-laba), umiinom (um-i-inom)
minamahal (ma-in-mahal), nilalamon (ni-la-lamon)
nakikita (na-ki-kita), nakikitaan (na-ki-kita-an)
(3) Aspektong Kontemplatibo o Panghinaharap - naglalarawan sa kilos o galaw na gagawin pa lamang. Ito ay kadalasang nabubuo sa pamamagitan ng pag-uulit lamang ng unang pantig ng salitang-ugat o pagdaragdag ng unlaping: "mag-" , "ipag-", "maka-", "naka-". Maaaring ding gamitin ng sabay.
mga halimbawa:
Di-Karaniwang Pandiwa:
(1) Maykaltas - di-karaniwan ang pandiwa kung ang salita ay nawawalan ng titig o pantig.
| Salitang-ugat | Panlapi | Karaniwang Ayos ng Pandiwa | Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa |
| buhos | -an | buhusan | busan |
| higit | ma- / -an | mahigitan | mahigtan |
| lagay | -an | lagayan | lagyan |
| takip | -an | takipan | takpan |
| Salitang-ugat | Panlapi | Karaniwang Ayos ng Pandiwa | Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa |
| tanim | -an | taniman | tamnan |
| atip | -an | atipan | aptan |
| silid | -an | silidan | sidlan |
(3) Maypalit - napapalitan ang isa o dalawang titik ng pandiwa kaya ito ay nagiging di-karaniwan.
| Salitang-ugat | Panlapi | Karaniwang Ayos ng Pandiwa | Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa |
| dinig | ma- | madinig | marinig |
| dugtong | ka- | kadugtong | karugtong |
| halik | -an | halikan | hagkan |
| bayad | -an | bayadan | bayaran |
(4) Maysudlong - di-karaniwan ang pandiwa kung ang karaniwang anyo nito ay nadaragdagan ng isa o dalawang titik o kung ang pandiwa ay may dalawang hulapi.
| Salitang-ugat | Panlapi | Karaniwang
Ayos ng Pandiwa
| Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa |
| antabay | -an | antabayan | antabayanan |
| kuha | -in | kuhain | kuhanin |
| mata | -in | matain | matahin |
| buti | pag- / -an | pagbutian | pagbutihan |
Pokus ng Pandiwa:
Pokus - relasyong semantika ng pandiwa at simuno
Pokus - relasyong semantika ng pandiwa at simuno
mga halimbawa:
Nakapag-aral si Marvino kahapon.
(pandiwa) (simuno-tagaganap)Si Marvino ay nakapag-aral kahapon.
(simuno-tagaganap) (pandiwa)
(2) Pokus sa Layon-ang pandiwa ay nakapokus sa layon kung ang layon ng pangungusap ang simuno.
mga halimbawa:
Bantayan mo ang sinaing at baka masunog.
(pandiwa) (tagaganap) (simuno-layon)
Ang sinaing ay bantayan mo at baka masunog.
(simuno-layon) (pandiwa) (tagaganap)
(3) Pokus sa Ganapan-kung ang simuno ay nasa ganapang kilos, nakapokus sa ganapan ang pandiwa.
mga halimbawa:
Pinintahan niya ng berde ang mga tulay.
(pandiwa) (tagaganap) (simuno-ganapan)
Ang mga tulay ay pinintahan niya ng berde.
(simuno-ganapan) (pandiwa) (tagaganap)
Ang sinaing ay bantayan mo at baka masunog.
(simuno-layon) (pandiwa) (tagaganap)
(3) Pokus sa Ganapan-kung ang simuno ay nasa ganapang kilos, nakapokus sa ganapan ang pandiwa.
mga halimbawa:
Pinintahan niya ng berde ang mga tulay.
(pandiwa) (tagaganap) (simuno-ganapan)
Ang mga tulay ay pinintahan niya ng berde.
(simuno-ganapan) (pandiwa) (tagaganap)
(4) Pokus sa Tagatanggap-nakapokus sa tagatanggap ang pandiwa kung ang simuno ang tagatanggap ng kilos.
mga halimbawa:
Ikuha mo si TinTin ng bagong damit.
(pandiwa) (tagaganap) (simuno-tagatanggap)
Si TinTin ay ikuha mo ng bagong damit.
(simuno-tagatanggap) (pandiwa) (tagaganap)
(5) Pokus sa Gamit-nakapokus sa gamit ang pandiwa kung ang simuno ay ang kasangkapan o bagay na ginamit sa pangungusap.
mga halimbawa:
Ipangguhit mo ang lapis sa papel.
(pandiwa) (tagaganap) (simuno-gamit)
Ang lapis ang ipangguhit mo sa papel.
(simuno-gamit) (pandiwa) (tagaganap)
(6) Pokus sa Sanhi-sa sanhi ang pokus ng pandiwa kung ang simuno ay nagpapahayag ng dahilan ng kilos.
mga halimbawa:
Ikinatuwa ni Czarina ang biro ni Zeus.
(pandiwa) (tagatanggap) (simuno-sanhi) (tagaganap)
Ang biro ni Zeus ay Ikinatuwa ni Czarina.
(simuno-sanhi) (tagaganap) (pandiwa) (tagatanggap)
(7) Pokus sa Direksyon-kung ang simuno ay nagsasaad ng direksyon ng kilos, nasa pokus sa direksyon ang pandiwa.
mga halimbawa:
Pinuntahan ko ang Boracay noong isang linggo.
(pandiwa) (tagaganap) (simuno-direksyon)
Ang Boracay ang pinuntahan ko noong isang linggo.
(simuno-direksyon) (pandiwa) (tagaganap)