Martes, Mayo 28, 2013

Aspekto ng Pandiwa



Aspekto ng Pandiwa:


 Salitang-ugat Aspektong
Perpektibo
 Aspektong
Imperpektibo
 Aspektong
Kontemplatibo
 mahal minahalminamahalmamahalin
 asa umasaumaasaaasa
 aral nag-aralnag-aaralmag-aaral

(1) Aspektong Perpektibo o Pangnagdaan - naglalarawan sa kilos o galaw na ginawa na o katatapos pa lamang. Ito ay kadalasang nabubuo sa pamamamagitan ng mga panlaping.
 "nag-", "um-", "-in-", "-nan", "ni-", 
"-an", at "na-"
mga halimbawa: 
nag-aral, uminom, minahal, itinanan, nilamon, nakitaannakita  

(2) Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan - naglalarawan sa kilos o galaw na kasalukuyang ginagawa. Nabubuo ang pandiwang ito sa pamamagitan ng pag-uulit sa unang pantig sa salitang-ugat at pagdaragdag ng panlaping katulad ng sa Apektong Perpektibo.
 "nag-", "um-", "-in-", "-nan", "ni-", 
"-an", at "na-"
mga halimbawa: 
naglalaba (nag-la-laba), umiinom (um-i-inom)
minamahal (ma-in-mahal), nilalamon (ni-la-lamon)
nakikita (na-ki-kita), nakikitaan (na-ki-kita-an)

(3) Aspektong Kontemplatibo o Panghinaharap - naglalarawan sa kilos o galaw na gagawin pa lamang. Ito ay kadalasang nabubuo sa pamamagitan ng pag-uulit lamang ng unang pantig ng salitang-ugat o pagdaragdag ng unlaping: "mag-" , "ipag-", "maka-", "naka-". Maaaring ding gamitin ng sabay.
mga halimbawa: 
gagawa (ga-gawa), maglalaba (mag-la-laba)


Di-Karaniwang Pandiwa:

(1) Maykaltas - di-karaniwan ang pandiwa kung ang salita ay nawawalan ng titig o pantig.
Salitang-ugat Panlapi Karaniwang
Ayos ng Pandiwa
Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa
 buhos -anbuhusanbusan
 higit ma- / -anmahigitan mahigtan
 lagay -anlagayan lagyan
 takip -antakipan takpan

(2) Maylipat - karaniwang ang pandiwa kung ang isa o dalawang titik ng salita ay naililipat, at may ilang titik o pantig na nawawala.
 Salitang-ugatPanlapiKaraniwang
Ayos ng Pandiwa
Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa
tanim-antanimantamnan
atip-anatipanaptan
silid-ansilidansidlan

(3) Maypalit - napapalitan ang isa o dalawang titik ng pandiwa kaya ito ay nagiging di-karaniwan.
 Salitang-ugatPanlapi Karaniwang
Ayos ng Pandiwa
 Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa
 dinig ma- madinigmarinig
 dugtong ka- kadugtong karugtong
 halik -an halikan hagkan
 bayad -an bayadan bayaran

(4) Maysudlong - di-karaniwan ang pandiwa kung ang karaniwang anyo nito ay nadaragdagan ng isa o dalawang titik o kung ang pandiwa ay may dalawang hulapi.
 Salitang-ugat Panlapi Karaniwang 
Ayos ng Pandiwa
 Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa
 antabay -an antabayan antabayanan
 kuha -in kuhain kuhanin
  mata -in matain matahin
 buti pag- / -an pagbutian pagbutihan


Pokus ng Pandiwa:
Pokus - relasyong semantika ng pandiwa at simuno

(1) Pokus sa Tagaganap-ang pandiwa ay nakapokus sa tagaganap kung ang simuno ng pangungusap ang tagagawa ng gilos.
mga halimbawa: 
Nakapag-aral       si Marvino       kahapon.
   (pandiwa)         (simuno-tagaganap)

Si Marvino
            ay nakapag-aral kahapon.
(simuno-tagaganap)         (pandiwa)

(2)
 Pokus sa Layon-ang pandiwa ay nakapokus sa layon kung ang layon ng pangungusap ang simuno.
mga halimbawa:

Bantayan
 
     mo          ang sinaing    at baka masunog.
(pandiwa)    (tagaganap)  (simuno-layon) 

Ang sinaing
  ay bantayan     mo       at baka masunog.
(simuno-layon)    (pandiwa)     (tagaganap)

(3)
 Pokus sa Ganapan-kung ang simuno ay nasa ganapang kilos, nakapokus sa ganapan ang pandiwa.
mga halimbawa:

Pinintahan
 
     niya       ng berde   ang mga tulay.
(pandiwa)      (tagaganap)                    (simuno-ganapan)

Ang mga tulay  
   ay pinintahan      niya       ng berde.
(simuno-ganapan)        (pandiwa)      (tagaganap)

(4)
 Pokus sa Tagatanggap-nakapokus sa tagatanggap ang pandiwa kung ang simuno ang tagatanggap ng kilos.
mga halimbawa:

Ikuha
 
           mo                  si TinTin          ng bagong damit.
(pandiwa)  (tagaganap)    (simuno-tagatanggap)

Si TinTin
 
                   ay ikuha        mo       ng bagong damit.
(simuno-tagatanggap)    (pandiwa)   (tagaganap)

(5)
 Pokus sa Gamit-nakapokus sa gamit ang pandiwa kung ang simuno ay ang kasangkapan o bagay na ginamit sa pangungusap.
mga halimbawa:

Ipangguhit
       mo            ang lapis    sa papel.
(pandiwa)    (tagaganap)    (simuno-gamit)

Ang 
lapis  
      ang ipangguhit       mo      sa papel.
(simuno-gamit)        (pandiwa)        (tagaganap)

(6)
 Pokus sa Sanhi-sa sanhi ang pokus ng pandiwa kung ang simuno ay nagpapahayag ng dahilan ng kilos.
mga halimbawa:

Ikinatuwa
  
  ni Czarina        ang biro          ni Zeus.
(pandiwa)     (tagatanggap)    (simuno-sanhi)    (tagaganap)

Ang biro
          ni Zeus    ay Ikinatuwa   ni Czarina.
(simuno-sanhi)  (tagaganap)       (pandiwa)     (tagatanggap)

(7)
 Pokus sa Direksyon-kung ang simuno ay nagsasaad ng direksyon ng kilos, nasa pokus sa direksyon ang pandiwa.
mga halimbawa:

Pinuntahan
      ko          ang Boracay     noong isang linggo.
(pandiwa)      (tagaganap) (simuno-direksyon)

Ang Boracay
       ang pinuntahan      ko        noong isang linggo.
(simuno-direksyon)        (pandiwa)        (tagaganap)

Bahagi ng Pananalita


Bahagi ng pananalita

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Sa balarila, ang bahagi ng pananalita/panalita (InglesPart of speech), o kauriang panleksiko, ay isang lingguwistikong kaurian ng mga salita (o mas tumpak sabihing bahaging panleksiko) na pangkalahatang binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng sintaktiko at morpolohikong asal ng bahaging panleksikong tinutukoy.
Sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa (1939;1944) ni Lope K. Santos (kilala rin sa tawag na Balarilang Tagalog at Matandang Balarila) ay may sampung bahagi ng pananalita. Ang mga ito ay pangngalanpanghalippandiwapang-uripang-abaypantukoypangatnigpang-ukolpang-angkop at pandamdam. Sinimulan itong ituro sa mga paaralan sa Pilipinas noong 1940 matapos maipahayag ng dating Pang. Manuel Quezon ang Tagalog bilang siyang saligan ng wikang pambansa.
Dala ng sunod-sunod na pagbabago at modernisasyon ng wikang pambansa (na kilala na ngayon bilang Filipino) ay maraming aklat ang nalimbag na nagmumungkahi ng pagbabago sa Matandang Balarila. Isa na rito ang Makabagong Balarilang Filipino (1977;2003) nina Alfonso O. Santiago at Norma G. Tiangco. Sa aklat na ito'y napapangkat ang may sampung bahagi ng pananalita sa ganitong pamamaraan:
A. Mga salitang pangnilalaman (mga content word)
1. Mga nominal
a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari, atbp.
b. Panghalip (pronoun) - mga salitang panghahali sa pangngalan
2. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita
3. Mga panuring (mga modifier)
a. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip
b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-abay
B. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)
1. Mga Pang-ugnay (Connectives)
a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay
b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan
c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita
2. Mga Pananda (Markers)
a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip
b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang nagkakawing ng paksa (o simuno) at panaguri
Hindi na isinama ang Pandamdam (interjection; mga salitang nagsasaad ng matinding damdamin) sapagkat ayon sa mga may-akda ng Makabagong Balarila ay maaaring magamit bilang pandamdam ang kahit anong salita kung bibigkasin nga ng may matinding damdamin.
Samantala, sa Balarilang Ingles ay may walong tradisyunal na bahagi ng pananalita bagama't higit pa itong nahahati sa iba't ibang kaurian sang-ayon na rin sa mga pag-aaral ng mga kasalukuyang lingguwistiko. Ito ay ang pangngalanpanghalippandiwapang-uripang-abaypangatnigpang-ukol at pandamdam.

Macario Sacay o Makario Sakay


Macario Sacay o Makario Sakay

Macario Sacay was a Filipino general in the Philippine Revolution against Spain and in the Philippine-American War.  He continued fighting against the United States even after Emilio Aguinaldo was captured in 1901 and the Americans officially declared the war over  in 1902.


A few people believe Macario Sacay was nothing more than a mere bandit.  That was how the Americans he fought against labeled him. He became a household name because of movies made about him, one biopic  was directed by Lamberto Avellana in the 1950s and another by Raymond Red in the 1990s, starring popular Filipino actor Julio Diaz.


Macario Sacay (also commonly spelled as Makario 
Sakay) was born in 1870 in Tondo, Manila. He made a living as a barber, tailor and occasional actor. In 1894, Sakay joined  and then became head of Dapitan, the Manila branch of the revoutionary organization Katipunan. He participated in battles against foreign forces alongside Andres Bonifacio.


Early in the Philippine-American War, he was arrested, but was granted amnesty in 1902. He soon founded the 
Republika ng Katagalugan (the Tagalog Republic) and he was its president. The Americans hunted him down and he was captured in 1906. He was brought to Bilibid Prison and convicted as a bandit. He was hanged in 1907.



filipino songs



Ang Kambal



Sa bayan ng San Lorenzo, may mag-asawang pinagkalooban ng anak. Sina Samantha at Nichole ang kambal na babaeng anak ng mag-asawang G. Alfredo at Gng. Elizabeth Funtanilla.
Walang labis walang kulang ang pagkakahawig ng kanilang kambal. Sa mukha, sa kutis, sa tangkad, sa buhok at iba pa. Ngunit habang sila’y lumalaki, dito nakikita ang tunay nilang kaanyuan o “ugali.”
Ipinasok ng mag-asawang Funtanilla ang kanilang kambal na anak sa isang pribadong paaralan.
Sa kanilang dalawa si Nichole ang may pinakamagandang pag-uugali. Siya ay mabait, mapagbigay, mapagtimpi, magalang at higit sa lahat magaling. Ito naman ay kasalungat kay Samantha. Siya ay mayabang, tamad, mapagkutya, palaaway at walang pagseseryoso sa kanyang pag-aaral.
Sa paaralan labis ang pagkainggit ni Samantha kay Nichole, dahil sa ipinamamalas niyang katalinuhan. Kaya dito nagsimula ang hidwaan sa pagitan nilang magkambal.
Isang araw sa silid-aralan kung nasaan ang magkambal. Pumasok ang pangulo ng paaralan, “Good morning students, pumunta ako ngayon dito para sabihin sa inyo na may magaganap na tagisan ng talino sa pagkanta. Sino ang interesado sa inyo?” Nagtinginan ang magkambal, at nagtaas ng kamay si Samantha sabay titig kay Nichole at sinabi “Sir gusto ko pong sumali.” Nagtaka ang lahat, “Oh! Ms. Samantha Funtanilla, how about your kakambal Ms. Nichole?” Sumagot si Samantha “Si Nichole sasali eh hindi nga siya marunong kumanta. Tapos pasasalihin ninyo siya? Hay naku wag na” sabay tawa ng malakas. Hndi nakapagsalita ang Ginoo. At ngumiti lamang si Nichole at tinimpi ang galit na nararamdaman sa pang-iinsulto ng kanyang kakambal.
Araw-araw na nag-eensayo si Samantha. Halos mabulabog ang kanilang mga kapitbahay sa lakas ng kanyang pagpapatugtog.
Pagkaraan ng ilang araw sumapit na ang araw ng kompetisyon. Sabik na sabik si Samantha. At pumunta na sila sa paaralan kung saan gaganapin ang kompetisyon. Naiwan si Nichole sa kanilang bahay. Nang magsimula na ang programa nagkaroon ng problema si Samantha, sumabit ang kanyang lalamunan, ayaw lumabas ng boses niya at sisya’y napipiyok. Labis ang pag-aalala ng kanyang mga magulang. Kaya tinawagan ni Mrs. Funtanilla si Nichole. Habang nanonood si Nichole nag ring ang kanyang cell phone “Hello Ma bakit po? Tapos na po ba? Sinong nanalo?” Tanong ng dalaga at sumagot naman ang ina “Anak pumunta ka ngayon dito suotin mo yong damit na binili ko mamaya na ako magpapaliwanag, bilisan mo.” At binaba na ni Mrs. Funtanilla ang phone. At nagbihis nga si Nichole at pumunta sa kompetisyon.
Nang makarating na si Nichole pumunta siya agad sa likod ng stage kung nasaan ang kanyang mga magulang. At biglang tinawag ang pangalan ni Samantha. Kaya kinausap ni Mrs. Funtanilla si nichole na siya na ang pupunta sa entablado para kay Samantha. Sumunod naman si Nichole na kinakabahan at parang tanga na pumupunta sa entablado. At biglang may tinig na sumigaw “Anak kaya mo yan.” Paulit ulit na isinigaw ng kanyang ina.
Ginawa lahat ni Nichole ang kanyang makakaya. At matagumpay naman niya itong kinanta. Nagpalakpakan ang lahat at nagsigawan ang lahat “Samantha!, Samantha! Ang galling mo” Ngumiti lamang si Nichole sa kanilang isinisigaw. Labis ang pagkamangha ni Samantha sa kanyang narinig at nasaksihan. Para siyang natutunaw sa kanyang kinaroroonan. Hindi niya namalayang tumutulo na ang kanyang luha sa mukha. Pagkatapos kumanta si Nichole ay dali-dali itong bumaba sa entablado at umuwi na sa kanilang bahay. At maya-maya pa’y tinawag na nila ang nanalo. Sa mga tatlong tinawag niya wala pa doon ang champion. “And now ladies and gentlemen the winner is none other than Ms. Samantha Funtanilla.” Labis ang kasiyahan ng mag-asawa ngunit si Samantha ay nakokonsensya dahil alam niyang hndi siya yun. Kahit ganoon ang kanyang nararamdaman, para hindi siya mapahiya kinuha parin niya ang award.
At nang matapos na ito umuwi na ang mag-anak. Ngunit si Samantha ay tahimik lamang. Nadatnan nila si Nichole na nanonood ng TV. Nahihiyang lumapit si Samantha kay Nichole. “Nichole sorry sa mga nasabi ko, labis kitang kinutya, labis ang paghuhusga ko sa iyo. Sana mapatawad mo ako sorry talaga di na mauulit.” Walang nagawa si Nichole kundi patawarin ang kanyang kakambal. 
Simula noon naging mabait na si Samantha. At nagkaroon sila ng magandang pagsasamahan at palagi na silang nagsasama sa mga katuwaan ng kanyang kakambal.